Connect with us

Regional News

6 NA MAGKAIBIGAN NA NAG-OUTING, HINARANG AT KINIDNAP SA BATANGAS HABANG PAUWI

Published

on

By

Photo: Philnews

Nauwi sa bangungot ang masayang outing ng walong (8) magkaibigan matapos silang harangin at dukutin ng mga armadong salarin habang bumibiyahe sa Laurel, Batangas.

Batay sa ulat, anim (6) katao ang dinukot habang dalawa (2) naman sa mga biktima ang nakatakas.

Pauwi na sana ang mga biktima sa Cavite galing sa Lian, Batangas nang harangin sila at sapilitang pinalabas sa kanilang sasakyan at isinakay sa sasakyan ng mga suspek.

Kinumpirma naman ni Laurel Police officer-in-charge Police Captain Errol Frejas, na natagpuan na ang abandonadong sasakyan ng mga biktima sa Calamba, Laguna.

Ayon naman kay Frejas, isa umano sa mga biktima ay nasangkot sa ilegal na droga noong November 2020.

Limang araw nang nawawala ang anim na biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyaring insidente.

(With reports from GMA News)

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *