Connect with us

Regional News

Suspension ng mga inbound travels sa Western Visayas pormal nang binawi

Published

on

Pormal nang binawi ng Regional Task Force (RTF) for COVID-19 ang temporary suspension ng mga inbound travels dito sa Western Visayas.

Batay sa inilabas na advisory ng task force nitong Miyerkoles, simula Abril 20 ay binawi na ang suspension ng mga inbound travel.

Maaari nang makapasok sa rehiyon ang mga galing sa National Capital Region at sa mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at sa mga lungsod ng Cebu at Davao.

Kaugnay rito, iniatas ni Director Jose Robert Nuñez, chairperson ng RTF 6 na ang mga nais bumiyahe papasok dito sa rehiyon ay makipag-ugnayan sa mga kinauukulang local government unit kaugnay sa mga ipinatutupad na mga requirements at health protocols.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *