Connect with us

Regional News

Mahigit 4K pamilya lumikas dahil sa engkwentro ng Militar VS BIFF

Published

on

By

MANILA, Philippines – Lumikas ang halos limang libong pamilya sa Maguindanao dahil sa sagupaan ng militar kontra Islamic State-linked Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ayon sa Ministry of Social Services and Development of the Bangsamoro autonomous region kasalukuyang nasa sampung evacuation center sa limang bayan ang mga apektado ng engkwentro.

Ang ilan naman ay nanunuluyan sa mga kamag-anak. Tinatayang nasa 25,000 katao ang mga lumikas ayon sa MSSD dahil sa mga patuloy na paglikas ng mga residente.

Ang mga ito ay mula sa mga bayan ng Shariff Saydona Mustapha, Datu Saudi Ampatuan, Mamasapano, Shariff Aguak, at Datu Unsay. Tatlong miyembro naman ng BIFF ang napatay sa engkwentro habang apat ay sugatan nitong Huwebes.

Nitong Biyernes naman napatay ang dalawang pang miyembro ng BIFF at dalawa ang sugatan. Samantala, nangangailangan ng pagkain, inumin tubig, gamit sa pantulog at hygiene kits ang mga bakwit.

Article: REMATE

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *