Connect with us

Regional News

5 PULIS PATAY, 2 PA SUGATAN SA SAGUPAAN LABAN SA MGA REBELDENG NPA

Published

on

By

CAMARINES – Limang pulis ang namatay habang dalawang iba pa ang sugatan sa tatlong oras na pakikipagbakbakan sa mga miyembro ng komunista sa Labo, Camarines Norte kagabi.

Sa ulat ni Police Regional Office 5 director PBGen Bart Bustamante, naganap ang insidente bandang 9:24 ng gabi sa Barangay Dumagmang, Labo habang nagpapatrolya ang 1st platoon ng 2nd Police Mobile Force Company.

Nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng mga pulis at komunistang grupo na umabot sa tatlong oras na palitan ng putok.

Nang mapawi ang usok, pawang nakahandusay at walang buhay ang limang pulis habang malubhang nasugatan ang dalawa pang pulis.

Pinaghahanap na ng mga miyembro ng platoon ng PNP, Special Action Force, at Philippine Army ang mga nakasagupang mga rebelde.

Source: REMATE

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *