Connect with us

Regional News

LALAKING NATUTULOG, PATAY MATAPOS BARILIN SA ARI

Published

on

Patay na nang dumating sa ospital ang isang magsasaka matapos itong barilin sa ari habang natutulog.

Ayon sa ulat ni Police MSgt. Henrico Gaspar, ang biktima ay kinilalang si Reden Velasquez na tubong Batangas City. Hiwalay sa asawa si Velasquez, at naninirahan sa Purok 1,Brgy San Cristobal, San Pablo City, Laguna, kung saan din nangyari ang pamamaslang.

Dakong ala 1:00 ng madaling araw habang natutulog si Velasquez sa kanyang kubo, naganap ang pamamaril na ikinadurog ng ari ng biktima.

Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang maaring may kaugnayan sa nasabing krimen habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon. Selos ang nakikitang motibo ng pamamaril.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *