Connect with us

Regional News

MISTER NA TINANGGIHAN NI MISIS SA SEX, NAGALIT AT SINUNOG ANG KANILANG BAHAY

Published

on

Photo file (Note: This is not the actual photo)

Kulungan ang bagsak ng isang mister makaraang sunugin ang kanilang bahay dahil tinanggihan siya ng kanyang misis na makipag-sex sa Dalaguete, Cebu.

Kinilala ng Dalaguete Police Station ang nadakip na suspek na si Jim Geolin Imban, 40, at residente ng Sityo Lower, Barangay Manlapay, Dalaguete.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, kumuha ng mga tuyong dahon ng niyog ang suspek saka sinindihan ng posporo at sinunog ang kanilang bahay.

Kwento ng kanyang misis na si Rosemarie, naburyong ang kanyang mister nang tanggihan niya itong makipagtalik.

Sinabi pa ng misis na madalas silang nag-aaway ng suspek dahil bukod sa walang trabaho ay lasenggo pa ito na siyang dahilan kung bakit niya ito tinanggihan.

Desidido si Rosemarie na magsampa ng kasong arson laban sa kanyang mister.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *