Connect with us

Regional News

NEDA 6: WV, “HINDI MASYADONG NAGHIRAP” NGAYONG PANDEMYA

Published

on

Ikinagulat ng National Economic and Development Authority VI (NEDA6) na hindi masyadong tumaas ang presyo ng mga pagkain sa Western Visayas sa kabila ng pandemya.

Ayon kay NEDA6 Director Ro-Ann Bacal, mababa ang inflation o ang reflection ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin sa rehiyon, dahil hindi ito umabot sa mahigit 5%.

Dagdag pa ni Bacal, tumigil ang operasyon ng karamihang establisyimento sa rehiyon maliban lang sa Agriculture at Fishery activities.

Ngunit aniya, “hindi masyadong naghirap” ang rehiyon kahit na tumigil ang operasyon ng mga establisyimento at nawalan ng trabaho ang mga workers, pati na rin ang tigil-pasada ng transport sector.

Pahayag pa ni Bacal, sa ngayon, kumpyansa na ang rehiyon kung paano i-manage ang ekonomiya sa gitna ng pandemya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *