Connect with us

Regional News

Guimaras, bukas na sa mga turista mula Western Visayas

Published

on

BUBUKSAN na ang turismo sa Guimaras mula sa Rehiyon 6 ayon kay Guimaras Vice Gov. John Edward Gando.

Pahayag ni Gando, tatanggap na ng mga turista mula Western Visayas ang probinsiya ng Guimaras.

Base sa Executive Order number 70 na ipinalabas ni Gov. Samuel Gumarin nitong Oktubre 14, itinanggal na ang restrictions sa mga nais pumunta sa nasabing isla.

Aniya, maaaring pumunta ang taga-rehiyon 6 kabilang na ang mga bikers na nais magbisita sa Guimaras na hindi naman magpapalipas ng gabi sa isla.

Kailangan umano, na hindi magpakita ng sintomas ng COVID-19 ang mga nais pumasok sa Guimaras.

Para naman sa mga hindi taga-Western Visayas, kailangang magpakita ng recent RT-PCR test result at kailangan ding sumailalim sa rapid test at mandatory na 14 day home quarantine kapag dumating sa isla.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *