Connect with us

Regional News

LTO 6, hindi ipapatupad ang 1-meter physical distancing sa PUVs habang wala pang abiso ng LTFRB

Published

on

HINDI ipapatupad ng Land Transportation Office 6 ang 1-meter physical distancing sa Public Utility Vehicles habang walang abiso sa LTFRB.

Ayon kay LTO 6 Regional Director Eric Tabaldo, wala pa silang natanggap na abiso mula sa LTFRB sa striktong pagpapatupad ng 1-meter physical distancing.

Aniya, kailangan ang guidance ng LTFRB dahil jurisdiction ng ahensya ang mga PUVs.

Base sa pagpupulong ng LTFRB 6, LTO 6, at mga transport groups, nagsimula kahapon, Oktubre 5 ang pagbabantay sa mga lumalabag sa 1-meter physical.

Samantala, may mga transport groups na mananatili sa 50% passenger capacity dahil hindi pa inaprubahan ang hirit na taas pasahe.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”