Connect with us

Regional News

4 Rebeldeng NPA patay, 7 pa sugatan sa sagupaan kontra militar sa Cotabato

Published

on

Batay sa ulat ng 901st Brigade, nagpapatrolya ang mga tauhan ng 27th Infantry Battalion Philippine Army sa Sitio Midsapakan-Brgy. Nabalico at Sitio Myarere-Brgy Sumalili- Arakan, North Cotabato nang makasagupa nila ang mga rebelde.

Sa tindi ng engkwentro, nagsilikas naman ang mga sibilyan sa mga ligtas na lugar upang hindi maipit sa gulo.

Umabot ng mahigit isang oras ang sagupaan sa magkabilang panig.

Tumulong na rin ang dalawang MG-520 attack helicopters ng Philippine Air Force (PAF) at binomba ang kuta ng mga NPA.

Umatras ang mga rebelde paakyat sa bulubundukin ng hangganan sa bayan ng Arakan at lalawigan ng Bukidnon.

Walang napaulat na nasugatan sa mga sundalo habang kinumpirma naman ng mga bakwit na apat ang napaulat na nasawi sa mga NPA at pito pa sa mga ito ang sugatan.

Nagpapatuloy naman ang combat clearing operation ng militar laban sa mga nasabing NPA sa Arakan, Cotabato.

Article source: Bombo Radyo

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *