Connect with us

Regional News

DSWD REGION 6, KUMPYANSA NA MAIPAMIMIGAY ANG SAP SUBSIDY SA ITINAKDANG DEADLINE

Published

on

Kumpyansa si DSWD region 6 Spokesperson May Castillo na matatapos ng mga Local Government Units (LGUs) sa Western Visayas ang distribution ng casj assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program bago ang deadline nito sa Mayo10.

Ayon kay Castillo, 100% na ng mga LGUs ang nakapag umpisa ng payout.

76.15% naman na umano ang naipamahagi na subsidy at 876,653 na pamilya na ang nakatanggap.

Ayon Pa kay Castillo, region 6, tapos ng mamigay ang Guimaras, habang kaunti na lamang ang natitirang bibigyan sa Antique. May hahabulin ding bibigyan Pa ang ibang probinsya.

Sa Iloilo province, naka 100% payout na ang mga bayan ng Anilao, Maasin, Mina, San Enrique at San Miguel.