Connect with us

Iloilo News

Iloilo Province, nangunguna sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Western Visayas

Published

on

Nangunguna ang Iloilo Province sa may pinakamataas na kaso ng coronavirus disease sa buong rehiyon ayon sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH)-6.

Umabot na sa 11 ang naitalang kaso sa Iloilo Province, 7 sa Bacolod City, 5 sa Aklan, 3 sa Capiz, 3 sa Iloilo City at isa sa Negros Occidental.

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso sa Western Visayas, napanatili ng Antique at Guimaras na COVID free ang kanilang lugar.

Sa datos na inilabas ng DOH-6 kagabi, nasa 30 na ang kaso sa rehiyon dahil nadagdagan ito ng limang panibagong kaso.

Base pa sa datos, lima na rito ang namatay, dalawa ang nakarekober at isa nalang ang nasa kritikal na kondisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *