Connect with us

Iloilo News

ENRIQUE RAZON, NAGBIGAY NG TEST KITS SA ILOILO

Published

on

Ibinigay na ng MORE Power Iloilo sa LGUs at kapulisan ang kabuuang 750 test kits, 500 Personal Protective Equipment at 1,000 surgical masks.

Agad na inihatid ni MORE Power President Roel Castro kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas kaninang hapon ang 500 test kits, 1000 surgical masks, 500 sets ng PPEs at 90 reams ng bond paper.

Lubos namang nagpasalamat ang alkalde at kinilala ang kabaitan ng MORE Power owner na si Mr. Enrique Razon.

Samantala, 125 test kits naman ang ibinigay ng MORE Power sa Iloilo Provincial Government na tinanggap ni Provincial Administrator Atty. Suzette Mamon, Provincial Legal Officer Atty. Dennis Ventilacion at PDRRMO Head Dr. Jerry Bionat.

Nakatanggap din ng 125 test kits ang PNP Regional Office sa pamamagitan ni Regional Director Brigadier Gen. Rene Pamuspusan.

Ang nsabing mga kagamitan ay kaparte ng P60 million na halaga ng test kits at PPEs na binili ni Mr. Razon para ibigay sa DOH na nauna ng pinasalamatan ni Pres. Duterte.

Ayon kay Mr. Castro isa ito sa mga ginagawang paraan ng MORE Power para sa patuloy na paglaban ng mga Ilonggo sa CoViD-19.

Ayon kay Castro na ikinalulugod ng kanilang kumpanya na makatulong sa mga frontliners dahil nakita rin umano sa mga lider ang sakripisyo, dedikasyon at tapat na pagserbisyo sa mga mamamayan.

Dagdag pa nito na bilang isang public utility company, nakikibahagi sila sa kampanya dahil pareho rin umanong mga mamamayan ang kanilang siniserbisyuhan.

Noong nakaraang linggo, umaabot din sa halos P1 milyon na halaga ng alcohol, facemask, sanitizers, acetate at pagkain ang ibinigay sa mga frontliners ng MORE Power para makatulong sa kampanya kontra COVID 19 sa Iloilo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *