Connect with us

Regional News

Lola, patay sa sunog

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Patay ang isang matandang babae nang hindi ito makalabas sa nasusunog nitong bahay, kamakalawa ng madaling araw. Naganap ang sunog sa Sitio Bariis, Brgy. Poblacion, bayan ng Rapu-Rapu, sa Albay.

Ang biktima ay kinilalang si Hermanisa Bigtas Echano.

Batay sa ulat, nakarinig ng malakas na pagsabog ang nga kapitbahay ng biktima bandang alas 2:30 ng medaling araw. Nang kanilang alamin ang pinagmulan ng pagsabog, nakita nilang nasusunog na ang bahay ng biktima. Sinubukan nilang apulahin ang apoy at iligtas ang matanda subalit bigo sila hanggang tuluyan ng natupok ang buong bahay kasama si Echano.

Patuloy pa ang pag-iimbestiga kung ano ang sanhi ng pagsabog na maaaring naging dahilan ng sunog.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *