Connect with us

Regional News

Estudyante, patay sa love triangle

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Dead on the spot ang isang estudyante matapos tambangan at barilin kamakalawa sa Purok 2, Basac Lantapan, Bukidnon.

Ang biktima ay kinilalang si Junrey Anghel, 18, at nakatira sa Sitio Mampalanay, Purok 7, ng nasabing bayan at lalawigan.

Ayon sa Lantapan PNP, hinatid pa ng biktima ang hindi na pinangalanang kasintahan nito na na napag-alamang karelasyon din ng suspek.

Pasado alas 8:00 ng gabi, tinambangan ng suspek ang noon ay papauwi nang  si Anghel, at pinaputukan ang binate  gamit ang .38 caliber na baril. Agad na namatay ang biktima dahil sa tama sa katawan.

Saad ni Major Noel Cano, Lantapan Police Station Commander, kilala na nila ang suspek sa pamamaslang ngunit tumanggi munang pangalanan ito dahil patuloy pa ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *