Connect with us

Iloilo News

Mga Ilonggo may ‘best sex life’ batay sa pag-aaral; nagsi-sex twice a week

Published

on

Lumabas sa survey ng 2019 PhilCare Wellness Index na ang mga Ilonggo ang may best sex life sa buong Visayas at mas mabuti kumpara sa iba pa sa buong bansa.

Sa 75 respondents, 46 ang nagpahayag na sila ay sexually active.

Ang mga respondent sa Iloilo ay nagsabing mayroon silang “good” sex life, na may score na 2.70 sa Wellness Index scale kumpara sa Bacolod (2.84), Cebu (3.11), Tagbilaran (3.02), at iba pang mga Pilipino (2.74), na nagpahayag lamang na ang kanilang sex life ay “somewhat good.”

Ang mga Ilonggo rin ay nagsi-sex ng madalas kumpara sa iba sa buong bansa na nagsasabing nagsi-sex sila twice a week, samantalang ang average sa buong bansa at sa Visayas ay at least once a week.

Ang mga taga-Bacolod at Taga-Tagbilaran ay nagsi-sex din daw sila dalawang beses sa isang linggo.

Sabi pa sa pag-aaral, ang mga Ilonggo ay pinaka-satisfied sa kanilang sex life kumpara sa ibang mga taga-Visayas. (source: Panay News)

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *