Regional News
Dagdag sahod sa minimum wage earners, inaasahan ngayong Nobyembre sa W. Visayas

Published
1 year agoon

Inaasahang tataas ang sahod ng mga minimum wage earners sa Western Visayas bago matapos ang taon.
Nauna nang inihayag ni Labor and Employment Regional Director Cyril Ticao, kailangan na lamang isumite ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang Wage Order 25 sa National Wages and Productivity Commission.
Tiwala si Ticao na aaprubahan ng komisyon ang bagong rates.
Sa ilalim ng bagong wage order, tataas sa P395 mula P365 ang daily minimum rate ng mga manggagawa sa non-agriculture, industrial at commercial businesses na may mahigit 10 empleyado.
Makakatanggap naman ng P15 na dagdag sahod ang mga manggagawa na nagtatrabaho sa anumang negosyo na may empleyadong hindi hihigit sa 10.
Magiging P315 naman ang dating P295 na daily minimum wage ng mga nagtatrabaho sa sector ng agrikultura.
Ang bagong wage order ay magiging epektibo 15 araw matapos itong mailathala at maaprubahan ng komisyon.
You may like
-
DOLE, pinaalalahanan ang mga employers na bayaran ng tama ang mga empleyado ngayong holiday
-
Turista sa Western Visayas, Bumaba ang arrival ng 99.30% sa 2nd quarter ng 2020
-
NEDA 6: WV, “HINDI MASYADONG NAGHIRAP” NGAYONG PANDEMYA
-
ILANG MANGGAGAWA, POSIBLENG HINDI MAKAKATANGGAP NG 13TH MONTH PAY
-
DOLE: Displaced workers, makakatanggap ng one-time cash aid sa 2021 budget
-
MAHIGIT 180,000 NAWALAN NG TRABAHO SA PILIPINAS – DOLE