Connect with us

Advisory

5 EARTHQUAKE GENERATORS, NAKAPALIBOT SA WESTERN VISAYAS-PHIVOLCS

Published

on

Limang Earthquake Generators ang umano’y nakapalibot sa Western Visayas, na maaaring maging sanhi ng lindol sa nasabing rehiyon. Ito ay batay sa inilabas na pahayag ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon kay Engr. Rey Antioquia ng PHIVOLCS-Roxas City, binubuo ito ng Collision Zone sa pagitan ng Mindoro at Panay, Negros Trench, Philippine Fault Masbate Segment, Tablas Fault at West Panay Fault.

Sa lahat ng mga earthquake generators sa bansa, ang West Panay Fault ang maigting na pinaghahandaan ng PHIVOLCS.

Maaari umanong magdulot ng malaking pinsala ang malakas na lindol na magmumula sa West Panay Fault dahil ang nasabing fault ay malapit sa mga komonidad at nasa mabundok na panig ng Panay.

Ang West Panay Fault ay may 2 segment.

Ang Segment 1 ay nasa Makato at Madalag sa Aklan patungong Jamindan at Tapaz sa Capiz. Ang Segment 2 naman ay nasa Jamindan, Capiz papuntan sa Lambunao, Janiuay, Maasin, Alimodian, Tubungan, Miagao at San Joaquin sa Iloilo.

Ang Lady Caycay ang naitalang pinakamalakas na lindol sa Western Visayas. Ang 8.1 magnitude na pagyanig ay naganap noong 1948.

Matapos ang trahedya, maraming mga sirang simbahan sa rehiyon ang iniwan nitong bakas.

Dagdag pa ni Engr. Antioquia, kakaiba ang West Panay Fault dahil hindi halos nararamdaman ng publiko ang bawat pagyanig dahil mahihina lamang ang mga ito na kadalasang nasa 2 hanggang 3 magnitude.

Wala rin di umanong epekto sa Western Visayas ang mga lindol na naganap sa Mindanao kamakailan lamang, dahil iba ang geological setting ng South Cotobato at Davao sa Western Visayas.

Kinumpirma rin ni Engr. Antioquia ang posibilidad na magka tsunami sa Western Visayas kung magmumula sa ilalim ng dagat ang pagyanig.

Di umano malayong magkaroon ng tsunami sa mga coastal areas ng Iloilo, at bahagi ng Guimaras, Antique, at Negros kung magkakaroon ng malakas na lindol na magsisimula sa Negros Trench.

Kung ang lindol ay magmumula sa Collision Zone, higit na maaapektuhan ang Antique. Gayundin ang maaring mangyrai sa Caticlan sa Aklan kung ang pagyanig ay manggagaling sa Tablas Fault.

Pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko, lalo na ang mga mga Local Government Units (LGUs) na paghanadaan ang napipintong kalamidad.

Kabilang sa mga kailangang pagtuunan ng pansin ng mga LGUs ang pagsusuri ng structural integrity ng mga gusali sa kani-kanilang lugar.

Kailangan din umanong i-retrofit at i-rehabilitate ang mga gusaling kakikitaan ng mga pagbiyak sa pader.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *