Connect with us

Regional News

37 ANYOS PINAGBABARIL, PATAY

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Purok Palangga, barangay Tapi, sa bayan ng Kabankalan, Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima kay Ian Cabison, 37 anyos at residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, improvised shotgun ang ginamit sa pagpatay sa biktima.

Nagtamo rin umano si Cabison ng maraming sugat sa katawan.

Naisugod pa anila ang nasabing biktima sa malapit na ospital ngunit binawian rin agad ito ng buhay.

Samantala nakatakas naman ang mga suspek  kung saan patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente at sa pagkakilanlan ng mga suspek.

Ayon awtoridad, ‘old grudges’ ang tinitingnang dahilan kung bakit pinatay ang suspek.

Via / Sweet FM Kabankalan

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *