Connect with us

Regional News

17 anyos na dalagita na balak makipaghiwalay, pinatay ng nobyo; bangkay ipinasok sa sako at inilibing sa liblib na lugar

Published

on

By

Photo for illustration purposes only

KALANSAY na nang matagpuan ang nawawalang 17-anyos na dalagita sa Brgy. San Nicolas, Buenavista, Guimaras nitong Oktubre 17.

Batay sa ulat, umamin na sa kapulisan ang kanyang nobyo na si Alexander Canonigo, 20 anyos ng Brgy. San Nicolas, Buenavista, Guimaras na siya ang nakapatay sa 17-anyos na dalagita.

Humingi ng dispensa sa pamilya ng biktima si Canonigo at inihayag na hindi niya sinadyang patayin ang kanyang nobya.

Ayon kay Canonigo, Marso 10, 2021 nang sila’y nagkita ng kanyang nobya at gusto umano nitong makipaghiwalay.

Pagkatalikod ng dalagita, hinawakan daw niya ito ng mahigpit at hindi namalayan na nasakal na pala ito at hindi na makagalaw.

Salaysay pa ng suspek, ipinasok niya sa sako ang biktima at pinasan papunta sa liblib na lugar at saka inilibing ang bangkay.

Unang inihayag ni Cpl. Freddie Jallores ng Buenavista Police na Marso 10 nang huling makita ang 17-anyos na dalagita at Agosto 12 nang i-report sa pulisya na nawawala.

Mababatid na natagpuan ng mga ati ang kalansay ng dalagita habang sila’y nangangaso.

Handa namang magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa suspek.

Via: Aksyon Radyo Iloilo

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *