Connect with us

Iloilo News

15 BAYAN AT PASSI CITY, MAPAPABILANG SA MORE POWER ILOILO FRANCHISE AREAS

Published

on

ISINUSULONG NA SA KAMARA ang panukalang batas na naglalayong palawigin ang franchise area ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) sa 16 lugar sa probinsiya ng Iloilo.

Batay sa House Bill No. 10271, na isinusulong na amyendahan ang Republic Act No. 111212, mapapabilang sa bagong franchise area ng MORE Power ang ilang munisipiladad sa 2nd District ng Iloilo — Alimodian, Leganes, Leon, New Lucena, Pavia, San Miguel, Santa Barbara, at Zarraga.

Kabilang din ang ilang bayan sa 4th District ng Iloilo katulad ng Anilao, Banate, Barrotac Nuevo, Dingle, Duenas, Dumangas, San Enrique at Passi City.

Kasunod ito sa hiling ng mga residente at ng Sangguniang Bayan na ipaabot sa kanilang mga lugar ang operasyon ng MORE Power dahil sa murang singil nito sa kuryente at sa maayos at magandang serbisyo ng kompanya sa publiko.

Mababatid na ang MORE Power ay isa sa may pinakamababang rate sa kuryente sa buong bansa.

Magkakaroon ng 25 years term of franchise ang MORE Power bilang distribution utility sa mga nasabing lugar.

Nakasaad sa nasabing panukala nila Iloilo Rep. Michael Girriceta at Braeden John Biron na panahon nang makatanggap ng moderno at mainam na serbisyo ng electric powder distribution system ang iba pang mga Ilonggos para sa patuloy na progreso ng Iloilo City at sa iba pang lugar sa probinsya ng Iloilo.

Magugunitang kasalukuyang nasa ilalim ng Electric Cooperative. INC (ILECO 1 at ILECO 2) ang mga nasabing bayan.