Connect with us

Regional News

BINATILYO, ARESTADO DAHIL SA POST NA POSITIBO SIYA SA COVID-19

Published

on

Bacolod City – Inaresto ang isang binatilyo matapos mag post sa kanyang social media account na COVID 19 positive siya na Hindi naman totoo.

Nakilala itong si Argie Ligaray ng Brgy. Plaridel, Sagay City, Negros Occidental.

Ayon kay Sagay City acting police chief Major Antonio Benitez, Jr., inaresto nila si Ligaray alas 12:30 ng hapon noong martes.

Ikinulong si Ligaray sa Sagay City police station at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11469 o Bayanihan to Heal as One Act of 2020 kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapakalat ng pekeng impormasyon tungkol sa COVID 19.