Connect with us

Regional News

₱510 milyong halaga ng shabu nahuli sa isang buy-bust operation sa Bulacan; suspek patay

Published

on

P510-M worth of shabu seized in Bulacan
Photo by Manila Bulletin

Sa isang buy-bust operation sa Balagtas, Bulacan nitong Linggo, isang Chinese ang napatay at may nakuhang 75 kg ng pinaghihinalaang shabu na may estimated street value na ₱510 milyon.

Ayon kay Bulacan Police Provincial Office director, Col. Lawrence Cajipe, ang buy-best ay humantong sa isang armed confrontation na nag-resulta sa neutralization ng 50-year-old Chinese na si Wu Zishen, residente ng Barangay Santol, Balagtas, Bulacan.

Ipinakita sa imbestigasyon na ang nasabing operatiba ay nag-set up ng isang drug entrapment buy-bust mga bandang 5:40 pm sa Warehouse No. 3 Grand SG, Barangay Borol 2nd ng nasabing bayan.

Sa isang confrontation ang suspect at ang kanyang kasamahan na kinikilala sa kanyang alias, na si Chen Hongli ay nag-resist arrest na nag-resulta sa pagkamatay ni Wu Zishen.

Nakatakas naman ang kanyang kasamahan.

Nakuha mula sa suspect ang 75 piraso ng green tea bags na nag-lalaman ng hinihilaang shabu na may bigat ng humigit kumulang 75 kg na may estimated value na ₱510,000,000.

May nakumpiska ring dalawang cell phone, dalawang identification cards, pera mula sa buy-bust at isang Colt. 45 pistol.

Source: TheManilaTimes