Connect with us

Provincial News

ISANG TAONG GULANG NA SANGGOL, PATAY SA PALO NG 18-ANYOS NA INA

Published

on

By

Photo Courtesy|SPD PIO

Dahil sa pagkabuwisit nang maistorbo sa pagtulog, pinagpapalo ng isang ina ang kanyang anak hanggang sa mahirapan huminga at mamatay.

Kasong parricide ang kahaharapin ng 18-anyos na nanay na si Christine May Dabuit, residente ng Barangay Upper Bicutan.

Ayon sa apulisya, nagising ang suspek nitong gabi ng Martes dahil sa pag-iyak ng anak, nainis ito at dumampot ng yantok at pinagpapalo ang bata.

Dinala rin nito ang sanggol sa Barangay Upper Bicutan Health Center kung saan pinayuhan ito na dalhin sa ospital.
Pero idineklarang dead on arrival sa Taguig – Pateros District Hospital ang biktima.

Nabatid na inampon ang bata noong dalawang buwan pa lang ito ng kapatid ni Dabuit na si Monique Mata na siyang complainant ng kaso. Ngunit isinoli nito ang bata sa suspek nang mawalan siya ng trabaho.

Namatay ang bata sa abdominal trauma at dahil sa pagpalo sa kanya ay may namuo na dugo sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan batay sa autopsy.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *