Connect with us

Provincial News

KALAGUYO NI MISTER, SINAKSAK SA ARI NG LEGAL WIFE MATAPOS MAHULI SA AKTO

Published

on

Sinaksak ng isang maybahay sa ari ang kalaguyo ng kaniyang mister matapos na mahuli sa akto na nagtatalik ang dalawa. Naganap ang insidente sa probinsya ng Pangasinan.

Pumunta umano sa bahay ng mag-asawa ang biktimang itinago sa pangalang Leslie, kasama ang isa pang babae para bumili ng kamoteng-kahoy. Kaarawan din umano ni mister noong araw na iyon. Nasa bahay din ang misis ng lalaki na itinago naman sa pangalang Marie.

Sa pag-aakalang bibili lamang ng kamoteng kahoy ang biktima at ang kasama nito, umalis si Marie at hindi pinagtuunan ng pansin ang tatlo. Pagkabalik umano ni Marie sa bahay, naabutan niyang nag-iinuman ang tatlo upang ipagdiwang ang kaarawan ng lalaki.

Nasaksihan pa niyang sinusubuan ni Leslie ng pagkain ang asawa ni Marie. Sa kabila ng pagkainis, nagpigil pa rin umano si Marie at pinagsabihan lang muna ang tatlo, sa pag-aakalang hihinto na sila sa pag-iinuman at uuwi na sina Leslie at ang kasama nito.

Napansin na lamang ni Marie na wala na ang kaniyang asawa sa bahay nila. Dahil dito, pinuntahan niya ang asawa sa isang kubo at dito na niya nahuli sa akto na nagtatalik ang dalawa.

Bunsod sa nasaksihan, sinaksak ni Marie sa kamay at sa ari si Leslie, habang nakatalilis naman ang asawa ni Marie.

Agad na naisugod sa ospital si Leslie, at usa namang sumuko sa kinauukulan si Marie.

Position: Researcher/Writer Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: This profession has opened my eyes to the realities of life. Being in media allows me to have a better understanding of humanity, and appreciate the beauty of both its struggles and triumph. As a media practitioner, I'd like to believe that I bring light to the world by imparting my skills and knowledge, and by sharing valuable information. Principle in life: I've always been a strong believer that there is goodness in everyone. And if you see something good and beautiful in a person, you gotta say it. The person deserves to know that someone appreciates him.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *