Connect with us

Provincial News

MISTER KINATAY ANG BAGONG PANGANAK NA MISIS

Published

on

Nagtamo ng maraming saksak sa kanyang katawan ang isang misis hanggang sa mamatay matapos saksakin ng kanyang mister kamakalawa ng gabi sa General Santos City.

Inaresto ang suspek na si Rodolfo Bacyano, 34, ng Purok 6 Lower Labay, Tinagacan, General Santos City dahil sa pagpatay sa kanyang asawang si Aileen, 23- anyos.

Sinasabing nagtalo ang dalawa dahil sa iniwang malaking hospital bill nang magluwal ng kambal na sanggol ang ginang.

Ayon kay Police Capt. Nemesio Calipho, hepe ng Tinagacan Police Station, inamin ng suspek ang ginawang pagpatay sa kanyang misis na ilang buwan pa lang na nanganak ng kambal na sanggol sa na umabot ang bayarin nito sa P103,000.

Sa imbestigasyon,umuwing lasing ang suspek at sinundo ang kanyang misis sa kanilang kapit-bahay at nang makauwi ay doon na sinaksak ng mister ang kanyanag misis hanggang sa mawalan ng buhay.

Lumalabas na nagalit ang suspek sa misis dahil sa malaking gastos nito sa panganganak.

Sa ngayon nakakulong na ang mister sa nasabing police station at sasampahan ng kaukulang kaso.

Program/Beat: Police Reports Years/background in Media works: 6 yearsWhy chose this profession: I want to disseminate information to the people. Principle in life: “If something is troubling me, it is something I need to stop doing.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *