Connect with us

Negros News

Anak, binaril umano ng “BOGA” at pinaghahampas ng kahoy ng sariling ama, patay!

Published

on

Negros Occidental – Patay ang isang anak matapos umanong barilin ng “BOGA” at paghahampasin ng kahoy ng sariling ama sa Sitio Paho, Barangay Cabagnaan, La Castellana sa Negros Occidental.

Photo | La Castellana PNP

Ang BOGA ay isang armas na holin ang bala.

Kinilala ang biktimang si Romulo Roto Jr., habang ang suspek ay kinilalang si Romulo Roto Sr., pawang mga residente ng naturang lugar.

Ayon kay PCapt. Ramel Bustamante, hepe ng La Castellana PNP, umuwi umanong lasing ang biktima at humingi ng pera sa kanyang mga kapatid ngunit hindi ito binigyan. Kaya’t nagalit umano ang biktima at tatangkain sanang pagtatagain ang mga kapatid ngunit nakita at na-alarma ang kanyang ama.

Pinagsabihan umano siya ng kanyang ama ngunit dahil lango ito sa alak at hindi nakinig ay binaril umano ito ng BOGA kung saan natamaan sa ulo ang biktima.

Hindi pa nakuntento ang suspek ay pinagbabato nito ng kahoy at pinaghahampas hanggang mawalan ng buhay ang anak.

Isasailalim sa otopsiya ang bangkay ng biktima at hihintayin na lamang ang desisyon ng pamilya kung magsasampa ito ng kaso laban sa suspek na ama.

Samantala, nasa kustodiya narin ng mga otoridad ang suspek at haharap sa kasong Republic Act 10591 o paggamit ng iligal na armas.

via| Aksyon Radyo Bacolod

Position: Production Staff Years/background in Media works: 4yearsWhy chose this profession:Mass Communication helps me in building my personality and overcome my shyness. I can now see my improvement because I am now comfortable in speaking and socializing with people. Principle in life: Never give up on something you really want. It's difficult to wait but it's more difficult to regret.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *