Connect with us

Provincial News

PAMILYANG CHINESE NA NAGBAKASYON SA CHINA, IPINA-QUARANTINE NANG SUMAMA ANG PAKIRAMDAM; NEGOSYO NG PAMILYA, PANSAMANTALANG IPINASARA

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Isinailalim sa quarantine ang dalawang anak at ang ina ng isang pamilyang Chinese sa bayan ng Banate sa Iloilo, matapos sumama ang pakiramdam.

Ayon kay Banate Mayor Carlos Cabangal Jr., sinisipon at inuubo ang 3 miyembro ng pamilya pagkabalik sa bansa galling sa bakasyon sa China.

Matapos na makarating ang impormasyon, agad na nagpasya ang alkalde na i-quarantine sa sarili nilang bahay ang pamilya. Pansamantala ring ipinasara ang tindahan ng pamilya para sa kaligtasan ng mga tindera at mga customer.

Nakipag-ugnayan na rin si Mayor Cabangal sa Department of Health at sa Department of Interior and Local Government para sa pagsasagawa ng contact tracing.

Samantala, patuloy pa ring mino-monitor ang lagay ng mag-iina.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *