Connect with us

Provincial News

LALAKING NAKAMOTOR PINAGBABARIL, PATAY

Published

on

Photos│©Pandan Fire Station

Pandan, Antique -Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki matapos tambangan at pagbabarilin alas 9:25 kaninang umaga sa Sitio Listuga, Sta. Fe, Pandan, Antique.

Kinilala ni PSSGT. Raffy Luceño ng Pandan PNP ang biktima na si John Mark Mingoy Tonding, 20 anyos ng Igtuble, Tugbungan, Iloilo at pansamantalang nakatira sa Sitio Listuga. Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, nagmomotorsiklong mag-isa galing sa Poblacion, Sentro Sur, Pandan ang biktima at pauwi na sana nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon pa kay Luceño, paliko na umano sa kaliwang bahagi ng intersection ang biktima, subalit doon umano naghihintay ang suspek at isa pang kasama sakay ng isang SUV, saka pinagbabaril ang biktima. Sinasabing nakatakbo pa sa palayan ang biktima bago bumagsak at naisugod sa Justice Calixto Saldivar Memorial Hospital, kung saan hindi na siya umabot ng buhay.

Nagtamo ng dalawang tama ng pamamaril sa kaliwang balikat ang biktima. Patuloy pa ang isinasagawang imbistigasyon ng mga pulis sa nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *