Connect with us

People

Wharton Filipino Graduate nakakamit ng sabay na dalawang Summa Cum Laude Awards

Published

on

jacob-wee-photo
Photo by PGN at the University of Pennsylvania FB page

Isa pang nakaka-hangang galing ang pinakita ng isang Filipino student ng makamit niya ang double “Summa Cum Laude”. Ang summa cum laude ang pinaka-mataas na parangal na iyong matatanggap sa kolehiyo, at ito ay sabay niyang nakuha sa magkaibang degree.

Si Jacob Johann Wee ay nakapagtapos ng pag-aaral sa University of Pennsylvania. Ilan sa mga naging sikat na alumni ng paaralang ito ay sina Elon Musk, Manny V. Pangilinan, Mar Roxas, William Buffet, Chris Po, at Cesar Virata,

Summa cum laude siya sa dalawang degree – Una, Bachelor of Science in Economics mula sa Wharton School of Business, Pangalawa naman ay Bachelor of Arts in Psychology sa College of Arts and Sciences ng University of Pennsylvania. Mapapa-wow at hanga ka talaga sa sipag, tiyaga at talino niya.

Family of achievers

Nagmula si Jacob sa mga pamilyang achievers. Tulad lamang ng kanyang lolo at lola na si Lee Hiong Wee, isang Philippine Ambassador ng Indonesia at si Rosalind L. Wee, kung saan nakatanggap siya ng Pearl Buck International award. Ang philantropic na mag-asawa na nagmula sa Mindanao ay nanguna sa lucrative seaweed industry ng Pilipinas.

Ganundin ang lolo’t lola niya sa kanyang mother’s side. President Emeritus of Association of Volunteer Fire Chiefs and Fire Fighters of the Philippines ang lolo niyang si Gerorge Go Pen Siong at Rosalina Go.

Panganay si Jacob sa tatlong magkakapatid nina John at Elaine Wee, at siya rin ang pinaka-matandang apo ng pamilyang Wee. Inalay niya ang lahat ng kanyang achievements at narating sa kanyang “parents, uncles, aunts, especially, Lolo and Lola, who taught me the importance of hard work. They work very hard in their respective careers and all their examples are a guide for me to follow.”

Katulad ng kanyang ama, nakapagtapos ng high school si Jacob with honors sa Xavier School, Greenhills, San Juan.

Advertisement

“It’s a funny story. I never planned to study undergrad abroad. It just happened that I scored high in SAT. And I was involved in multiple leadership roles in high school. After talking with a college counselor, I submitted applications for schools abroad. My first choice was world-renowned business school UPenn (University of Pennsylvania). And I got in!” naalala niya.

Studying abroad

Nung siya’y tinanong kung bakit double degree sa Economics at Psychology ang kanyang kinuha, sinabi niya na:
“Most people study Economics and Psychology because they’re interested in Behavioral Economics. I studied Economics to get a better understanding of business, and I studied Psychology because I think part of business (and life) is understanding how other people and even yourself think. Our biases, personalities, and ultimately, psychology affect how the entire world is run – from everyday relationships to the government.”

Paano niya nakamit ang Summa cum Laude honors para sa dalawang degree? Buong pagkukumbaba niya itong sinagot na:
“With so many classes, it was hard to have fun learning. I optimized my studying patterns. If a reading was optional, I didn’t do it. If I could get by studying the night before an exam, that’s what I did. One thing I didn’t do was lose sleep. I learned through experience that sleep is important for focus, memory, and mood – things you don’t want to mess with before an exam.”

Kaya sa mga nag-aarral pa diyan, huwag kalimutan matulog. Napakahalaga nito para maka focus, magkaroon ng magandang memorya at masayang mood. Advise mula kay Jacob.

Binigyan rin ni Jacob ng payo para sa mga naghahangad na makamit ang kanilang mga educational goals:
“One thing I learned was that it was often easier to retain something if you taught it to someone else. So my friends and I would often teach each other concepts from an exam. The teacher gets to reinforce that memory, and the learned learns something new.”

Ano ang susunod sa buhay ni Jacob? Welcome to the Real World na siya. Mag-aaral siya sa loob ng 18 na buwan sa pamamagitan ng leadership program sa Miami, Florida-based Restaurant Brands International sa iba’t-ibang corporate departments.

Naghahanda na agad si Jacob para makamit niya ang susunod niyang goal: “I want to start making and focusing on my contribution to the world.”

Advertisement

Source: PhilStar

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *