Connect with us

People

The Amazing Fathers

Published

on

Ito’y ilan lamang sa mga amang nagpakita ng kanilang sakripisyo at walang hanggang pagmamahal para sa kanilang pamilya. Karamihan sa kanila ay nakita natin sa social media at nag-viral pa.

Saludo po sa lahat ng mga ama, lolo, kuya, tito, at sa mga tumatayo bilang haligi ng ating tahanan. Happy Father’s Day po sa inyong lahat!

Pagmamahal at Sakrispisyo kahit hindi kadugo

Tatay Benjamin

Photo by GMA

Si Benjamin Naag, 63 sinuportahan ang anim niyang stepkids kasama si Florita, isang byuda. Isa lamang si Mang Benjamin kahit matanda na at may kapansanan pa, hindi ito naging handlang para masuportahan ang pamilya sa pamamagitan ng pagtugtog ng gitara.

Bago dumating ang pandemya, makikita mo siyang tumutugtog ng gitara habang kumakanta sa mga train stations. Ngunit, nang ipinatupad ang communty quarintine sa buong Luzon, kinakailangan na niyang mag-palimos para matugunan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Salamat kay mama Florita ang kanyang kabiyak, lumapit siya sa GMA Kapuso Foundation para matulungan hindi lang ang kanyang asawa, kundi mga miyembro rin ng Blind Livelihood Generation Organization, Inc. at ang kanyang hiling ay natupad.

If there’s a will, there’s a way

Tatay Alex

Ang mga bike na may training wheels ay para lamang sa mga batang nagsasanay at sa bago palang natututong mag bisikleta. Pero si Manong Alex isinabuhay ang “if there’s a will, there’s a way.”

Nag-viral si Manong Alex dahil sa kanyang bisikletang may training wheels! Napag-alaman na nag bibisekleta siya galing sa kanyang tirahan sa Divisoria hanggang sa kanyang pinapasukan sa Makati. Umaabot hanggang 2-3 oras bago siya makarating ng Makati, pero hindi siya sumuko. Kahit hindi sanay mag-bike, nagawan pa din ng paraan para makapasok sa trabaho at makapag hanapbuhay para sa mahal na pamilya.

Salamat sa mga may ginintuang puso, natulungan si Manong Alex at siya’y nakatanggap ng bike fit, helmet at iba pang mga accesories mula sa Forward Motion Performance.

Superhero

Tatay Nestor

Photo by PhilStar

Ang galing talaga ng mga haligi ng tahanan, tunay nga talaga silang mga real life superheroes, katulad lamang ni Nestor Abayon Sr., naitaguyod niya ang kanyang pamilya at napa-aral niya ang walo niyang mga anak kung saan lima, nakapag tapos na sa pag-aaral. Sa pamamgitan ng pagsasaka, na-iangat niya sa kahirapan ang kanyang pamilya.

Si Nestor Abayon Jr. para pasalamatan ang kanyang ama ngayong Father’s day, ay nag pinta ng portrait ng kanyang ama na 4 by 5 feet ang laki. Sinabi niya dahil sa suporta ng kanyang ama, wala sana sya sa kinalalagyan niya ngayon.

Advertisement

Para mapasaya ka lamang anak

Tatay Ryan

Photo by Tatay Ryan FB page

Ang ating mga ama, walang ibang hinihiling kundi masuportahan ang pamilya at ang pinaka sa lahat, maging masaya ang kanilang mga anak. Nakaka-antig damdamin ang ginawa ng dalawang ama na ito para sa kanilang mga anak.

Nag-viral ang facebook post na ito kung saan si tatay Ryan, dinala ang dalawang anak na babae sa Jollibee, dahil hindi sapat ang kanyang pera para sa tatlo, masayang tinitignan na lamang niya ang dalawang anak habang kumakain, sabi niya, “basta masaya ang mga anak, parang nabubusog ka na rin.”

Loving father

Naaalala niyo pa ba, tuwing mangangako ang iyong ama na bibilhan ka niya ng mga nais mong bagay, o kaya’y ipapasyal sa mga magagandang lugar, kahit na maantala ito, gagawin nila ang lahat para matupad ang kanilang pangako. Katulad lamang ng ama na ito na nag-viral rin noon. Naantig ang puso ng isang saleslady at kinunan ng litrato ang mag-ama. Walang pangalan na binigay, Ang ama na nasa larawan ay matagal na pinag-iipupunan ang sapatos na gusto ng kanyang anak. Nasa loob pa ng alkansya at puro barya, para sa kasiyahan ng anak, gagawin ang lahat.

Sakripisyo at Hindi Makasarili

Front liner dads

Photo by GMA

Sakripisyo para sa ikabubuti hindi lang ng pamilya, kundi pati na rin sa taong bayan. Iba ang hirap na dinaranas ngayon ng mga amang frontliners. Sa halip, tuloy ang kanilang buhay, naglilingkod para sa ating lahat.

Katulad lamang ng ambulance driver na si Orlan Eugenio, na nalulungkot at nakukunsyensa sa tuwing magkakasakit ang anak na wala siya roon.

Ganundin si Nurse John Paul Villanueva, nakakaramdam din siya ng takot baka mahawaan niya ang kanilang anak na two years old pa lamang at kanyang asawa, na isa ring frontliner. Ayaw niya rin mahawaan ng virus sapagkat mahihiwalay siya ng matagal ng panahon sa yakap ng kanyang pamilya.

Ngayong Father’s Day, tanging hiling lamang nila na maintindihan ng kanilang mga anak ang kanilang trabaho.

Pero, ang mga anak ni Eugenio, at ang asawa ni Villinueva, assured them na naiintindihan nila ang sitwasyon. Lagi rin silang nagdadasal para malayo sila sa anumang karamdaman. Masaya rin sila at ipinagmamalaki ang kanilang mga mahal sa buhay.

Source: GMA, PhilStar, PhilNews

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *