Connect with us

People

SILIPIN: Hidilyn Diaz, nakatanggap ng house & lot sa Tagaytay

Published

on

By

hidilyn-tagaytay-house
📷 Mark Demayo, ABS-CBN News

Patuloy nakakatanggap ng mga biyaya si Olympic champion Hidilyn Diaz, kung saan nitong Miyerkules, officially nakuha niya na ang isa niyang incentives – isang house and lot sa Tagaytay.

Ang reward ay courtesy ng Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, siya ang nagbigay ng symbolic key kay Diaz sa isang simpleng ceremony.

Magiging kapitbahay ni Diaz ang kanyang fellow Olympic medalists, boxers na sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam, at Eumir Marcial. Ang kanilang bahay ay matatapos pagdating ng Nobyembre, ang street kung saan matatagpuan ang kanilang mga tirahan ay tatawaging “Olympic Lane.”

“Siyempre sobrang thankful ako. Siyempre, una kay God. Thankful ako sa lahat ng mga Pilipino. Thankful sa nagbigay ng.. ‘yung unexpected blessing na binigay sa amin,” pahayag ni Diaz.

hidilyn-tagaytay-house

📷 Mark Demayo, ABS-CBN News

“Sa totoo lang, as an athlete… ito ‘yung goal namin, manalo ng gold para sa Pilipinas. And we did not expect anything after winning sa Tokyo 2020 Olympics,” dagdag niya.

Nakatanggap rin ng bagong van mula sa Foton nitong Miyerkules ang weightlifter.

Mahigit P50 milyong cash incentives ang natanggap ni Diaz matapos makamit ang pinaka-unang Olympic gold medal ng Pilipinas sa Tokyo game noong nakaraang buwan.

Bukod sa house & lot sa Tagaytay, nakatanggap rin ng house at lot si Diaz mula sa Century Properties at may condominium unit rin siya sa Eastwood City.

Advertisement

Source: ABSCBN