Connect with us

People

Sa edad na 24, isang ina may 22 na anak?!

Published

on

By

Sa edad na 24, isang nanay may 22 anak!
📷 Photo @batumi_mama Instagram

Sa mga nais magkaroon ng malaking pamilya, kilalanin ang isang ina na may 22 anak!

Si Christina Ozturk, 24 years old at asawa ng isang milyonaryo na si Galip Ozturk, nakatira sila sa Batumi Georgia. Isang beses lamang nabuntis si Christina, pero ang bilang ng kanyang mga anak ay umabot hanggang 22, at alam nyo ba ang lahat ng iyon ay kanyang mga biological na anak!

Christina Ozturk instagram post 2

📷 Photo @batumi_mama Instagram

Ang edad ng kanyang mga anak? mula apat na buwan hanggang 14 na buwang taong gulang.

Paano ito naging possible?

Sa pamamagitan ng mga surrogate mothers.

“We do not know the surrogate mothers personally and do not have direct contact with them in order to avoid problems after pregnancy,” sinabi ni Christina batay sa ulat ng GMA Digital News.

Christina Ozturk instagram post

📷 Photo @batumi_mama Instagram

Nagbayad sila ng €160,000 o katumbas ng halos P9.4 milyon para sa surrogate.

Ngunit, hindi diyan nagtatapos ang kanilang gastuhin, sapagkat, ang halaga ng bayad nila para sa mga yaya ay umaabot ng €96,000 o P5 milyon kada taon.

“It costs between €4,000 and €4,900 (P241,851 – P289,041) per week to cover most of the expenses of all the children. Sometimes a little more, sometimes a little less,” sinabi ni Christina.

Advertisement

Hindi nagsisisi ang mag-asawa kahit napaka-laki nang gastuhin, masaya silang dalawa na malaki ang kanilang pamilya. Ibinahagi rin ni Christina na simula pa lamang noong bata siya, pangarap niya na magkaroon ng malaking pamilya.

Christina Ozturk instagram post 3

📷 Photo @batumi_mama Instagram

Dahil doon, nais niya pang magkaroon ng 100 na mga anak!

Ipinahayag rin ni Christina kung gaano niya kamahal ang kanyang mga anak at asawa, nang tanungin siya kung, sa lahat ng kanyang anak, sino ang kanyang paborito.

“My favorite child is my husband – sometimes he is like one more kid.”

“All our kids are the best children in the world. I love them equally to the moon and back,” dagdag ni Christina.

(Source: GMA News)

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *