Connect with us

People

Mga bagong Millenials; Hindi naging batayan ang edad upang maging successful leaders

Published

on

Leadership

Millenials. Mga pinanganak mula sa taong 1981-1996. Kilala sila bilang mga malilikhain, independent, mga tech-savy at driven pagdating sa kanilang mga careers. At ngayon, isa na rin sila sa mga nag-redefine ng galaw ng kanilang mga kumpanyang pinapasukan.

Millenials, Mga Bagong Leaders, Kilalanin

Sa Cocolife Group, tatlong millenials ang nasa executive roles ng kumpanya, at daladala nila ang kanilang mga innovative ideas at enthusiasm na naka tulong sa pag-unlad ng kumpanya.

Ang Cocolife ay isa sa mga pinakamalaking Filipino-owned stock life insurance company, at ang puso ng kumpanya ay si Atty. Martin Loon.

Sa edad na 32, tinanghal siya bilang president at CEO, isang taon bago tumama ang pandemya. Nakuha niya ang kaniyang Bachelor’s Degree sa Ateneo de Manila University at ang kaniyang Juris Doctor sa University of the Philippines. Pumasok rin siya sa Georgetown University para makuha ang kaniyang Masters of Laws.

Ngayon edad 34 na, siya ang youngest na nag-hawak ng position bilang CEO sa buong kasaysayan ng kumpanya.

Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, nakuha ng Cocolife ang kanilang higest premium at net income goals kada taon. Bukod pa doon, nakamit din nito ang zero non-conformity findings sa kanilang latest ISO audit, at ang kanilang expense ratio ay isa sa pinakamahusay sa buong industriya.

 

Advertisement
coco-life-lead_2021

Cocolife Group executives: (from left) Atty. Martin Loon, president and CEO of Cocolife, Atty. Julio Bucoy, president of Cocolife Asset Management, and Atty. Darren De Jesus, president of Cocogen. With these young minds leading the charge, they bring in unprecedented leadership styles to take their companies to greater heights. Photo by PhilStar

Samantala, sina Atty. Barren De Jesus at Atty. Julio Bucoy naman ay pumasok sa pagiging leader sa gitna ng pandemiya bilang President ng Cocogen at Cocolife Asset Management.

Nakuha ni Darren ang kaniyang Law Degree sa Ateneo de Manila University, at si Julio ay nagtapos sa Fordham University sa New York na may degree sa Accounting at Economics, nakamit niya rin ang kaniyang Juris Doctor sa University of the Philippines.

Gamit ang kanilang unprecedented leadership styles, ay nagawa nilang itaas pa lalo ang kanilang kumpanya.

“I think about work and how to improve what I do every chance I get. It could be a weekend while driving, or while running,” sabi Martin. “I try to spend every waking minute trying to be better.”

Dagdag pa niya, na kasama sa kaniyang leadership style ay ang paghikayat sa kaniyang mga tauhan na maging mas magaling pa. “I aspire to bring out the best in people and allow them to shine. I try to find the good in people and work on bringing out their best. I want my team to feel valued and to be given the chance to be creative and do what’s best.”

“I enjoy talking to people and encouraging them to work hard. I’m personally a hard worker, but I don’t like people to feel like they’re getting worked to the ground,” pahayag ni Darren. “Everything has to be aligned with the main goal for the company.”

Isa sa mga kaunting CFA lawyers sa buong mundo, nilarawan ni Julio ang kaniyang leadership style na democratic. “I generally work and perform task fast, but I get drained easily, so I end up working in burst,” aniya.

Pagdating sa pagsubok ano ang kanilang ginagawa?

Bago lang silang tatlo sa kanilang executive position sa Cocolife Group. Sa katunayan, dalawa sa kanila ay na-appoint lamang ngayong pandemiya. Pero sa kabila ng mga pagsubok, nagawa nilang patakbuhin ang kumpanya ng maayos kahit sa gitna pa man ng pandemic.

Advertisement

“I faced the challenges with a lot of creativity and resourcefulness. There was no guidebook or course on surviving the pandemic in business,” sabi ni Martin. “I just focused on the basics and did my best to prioritize. I tried to avoid complicating issued and simplified my approach to things that present themselves day by day.”

Marka ng isang magaling na leader ayon sa Millenials

Leadership

Ang isa sa marka ng mabuting leader ay ang kaniyang passion sa pagtulong sa kaniyang mga tauhan para mas lalo silang lumago. Lahat silang tatlo ay pinahahalagahan ang kanilang mga tauhan.

Pinaniniwalaan ni Julio na ang abilidad na makita ang mga strengths at weaknesses ng mga tao ay isang “essential characteristic” ng isang leader. Binigyan niya ng diin na ang pagiging “youth” ay hindi isang kahinaan pagdating sa pagpapatakbo ng business.

Pinahahalagahan rin ni Darren ang pagkakaroon ng people skills. “A leader has to be passionate in all things. One has to be empathetic to his/her people and clients. Most importantly, a leader must be God-fearing and should have the integrity to stand as the chief executive of a company,” sabi niya.

“Integrity and excellence make a good leader. When people know that you don’t use them or take advantage of them, and when people see that you give your best every time, they’ll do the same. A leader should lead by example,” pahayag ni Martin.

Bilang isang youth sa mundo ngayon

Millenials

Pag pinaguusapan ang mga millenial sa isang workforce, kadalasan tinatawag silang mga tamad, entitled, at mga job hoppers. Pero sa kabila naman ng spectrum, makikita na sila ay creative, mga risk-takers, disruptors, and social responsibility-focused.

“The people perceive the youth to be impatient, which can be true at times,” sabi ni Darren. “But in reality is that the youth are quick to judge whether their current situation is good for them, and this can be tempered by providing a sense of belonging in a workplace.”

Advertisement

Obserba ni Martin na pinahahalagahan ng mga kabataan ang kanilang mga careers. “A common misconception is that the youth do not care about stability–we do. We spend a lot of our time trying to create a stable world and society,” sagot niya.

“My youth gives me a lot of courage when dealing with problems and issues. That fire and exuberance of the youth give me that extra push whenever I need to get things done,” dagdag ng Cocolife president at CEO.

Ipinahayag naman nilang tatlo ang kanilang kaalaman para sa mga kabataang na nag-aaspire maging mga CEO at entrepreneurs:

“Take calculated risks. Don’t shy away from a challenge,” sabi ni Julio.

“Keep placing yourself in challenging situations and train your eye in identifying opportunities,” dagdag ni Darren.

“Always be respectful to everyone around you. The world is very small, and you will most likely bump into the same person again in the future,” sabi naman ni Martin.

Source: PhilStar

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *