People
Lalaki sa UK, sinampahan ng kaso ang isang supermarket nang tumangging papasukin ang kanyang alagang pusa

Sinampahan ng kaso ng isang lalaking may autism ang isang supermarket chain sa UK dahil pinagbawalan umano siyang ipasok sa establisimyento ang kanyang alagang pusa na si Chloe.
Ayon kay Ian Fenn, isang designer at manunulat sa London, nililimitahan ng pagba-ban kay Chloe ang kanyang pagiging independent.
Na-diagnose na may autism si Fenn matapos ang ilang taong pakikibaka sa anxiety sa maiingay at mataong lugar.
“I get sensory overload in busy environments and tend to shut down. But with Chloe I can focus on her.”
Sinanay ni Fenn si Chloe na tulungan siya sa kanyang araw-araw na pamumuhay, tulad ng paggising sa kanya sa umaga at pagpapaalala kung oras nang matulog.
“I realised that my life was a lot better with her being around – there’s a lot of autistic people suffering from depression. I’m not alone any more,” ani Fenn.
Tuwing pumupunta ai Fenn at Chloe sa labas ng bahay, nakasuot si Chloe ng leash at jacket na may nakalagay na “service cat”.
Nang pumunta ang dalawa sa Sainsbury’s sa south London, kumpiyansa silang may permiso si Chloe na makapasok. Laking gulat ni Fenn nang sabihin ng security and store staff na kailangan niyang iwan si Chloes sa labas.
“I ended up becoming quite upset,” he says. “I got to the point where I couldn’t actually remember why I was in the store and what I needed to buy,” salaysay ni Fenn.
Ikinwento ni Fenn sa mga empleyado ang kanyang kalagayan subalit ang tugon lamang ng mga ito ay di tulad umano ng mga assistance dogs, ang mga pusa daw ay maaaring makaapekto sa ng masama sa food hygiene.
“It affected my confidence significantly. I stayed in the house for two weeks before I got the confidence back to go out,” ani Fenn.
Sa pahayag ng Sainsbury’s sinabi nila na layon nilang maging “inclusive retailer” na sinusuportahan ang mga special needs ng kanilang mga empleyado at customer.
“At the same time, safety is our highest priority and our colleagues are trained to balance maintaining our high food hygiene standards with supporting all our customers who shop with us”, depensa ng Sainsbury’s.
“We are in contact with the local environmental health team to see if there are ways we can help Mr Fenn to visit our store without compromising this,”dagdag pa nila.|Glesi Lyn Sinag #RadyoTodo #InternationalNEWS
Para sa iba pang balita, bisitahin www.radyotodo.ph