Connect with us

People

Isang heartwarming reunion ni Hidilyn Diaz at ng kanyang pamilya

Published

on

Hidilyn-Diaz-at-kanyang-ina
📷 @jacquemanabat Twitter

Nag-karoon ng “heartwarming” reunion ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz kasama ang kanyang pamilya na halos 20 buwan nang hindi niya nakapiling.

Makikita sa video na nag-karoon ng mahigpit na yakapan si Hidilyn at ang kanyang ina sa Resorts World Manila, sa Pasay City.

Kita rin na super proud ang ina niya na si Emelita kay Hidilyn habang pinapakita niya ang gold meal ng anak.

Hidilyn-Diaz-at-kanyang-ina-photo

📷 @jacquemanabat Twitter

Dahil sa kanyang training na lalong pinatagal ng pandemiya, matagal nang hindi nakikita ni Hidilyn ang kanyang pamilya

Simula pa noong Disyembre 2019 nahiwalay si Hidilyn sa kanyang pamilya upang mag-training sa Malaysia para ma-qualify sa Tokyo Olympics.

Ngunit, noong dumating ang pandemiya, na-stranded siya doon, kung saan hinarap niya ang uncertainty sa kanyang weightlifting career, ngunit sya ay nag-aalala rin sa kaligtasan ng kanyang team at pamilya.

Walang choice sila Hidilyn at napilitan silang manirahan sa isang apartment sa Kuala Lumpur. Tapos, pagdating ng Oktubre 2020, nag-relocate sila sa state of Malaca at doon nanirahan sila sa bahay ng isang Malaysian weightlifting official.

Matapos siyang mag-wagi ng gold medal para sa Pilipinas sa Tokyo Olympics, binigyan siya ng hero’s welcome noong Hulyo 28 bago siyang sumailalim sa mandatory health protocols.

Advertisement

Source: ABSCBN