Connect with us

People

9 TAONG GULANG NA LALAKI, UMANI NG PAPURI MATAPOS MAILIGTAS ANG ANIM NA TAON GULANG NA KAPATID MULA SA CARJACKER

Published

on

Ethan Walker
Si Ethan Walker kasama ang kanyang kapatid na si Audrey. Larawan mula sa al.com

Isang batang lalaki mula sa Alabama, US ang umaani ng papuri matapos niyang magpakita ng katapangan sa pagligtas ng kanyang sarili at kapatid na babae mula sa isang carjacker.

Si Ethan Walker, siyam na taong gulang, kasama ng kanyang ina na si Kristin Walker at anim na taong gulang na kapatid na si Audrey, ay tumigil sa isang gas station malapit sa US Highway 411 at I-20 upang magpakarga ng gasolina.


Ayon sa Moody Police Department, ang magkapatid na Walker ay nanatili sa backseat habang kinakargahan ng gasolina ng kanilang nanay ang sasakyan.  Biglang napuno ng tensiyon ang paligid nang may lumapit sa kanila na isang tinedyer na may hawak na baril.

Dali-dali umanong pumasok ang suspek sa driver’s seat at itinaas ang kanyang hawak na baril.  TInangka naman ni Kristin Walker na pigilan ang suspek kahit na siya ay nagdadalantao sa kanyang ika-tatlong anak.

“When the man jumped in the front seat, I lunged in on top of him and removed the keys. That’s when he pulled the gun on me,” ani Walker.

Sa kabila ng kaguluhan at panganib, nanatiling kalmado si Ethan at dali daling lumabas ng sasakyan upang tulungan din ang kanyang kapatid na makatakas.

“As this was happening, her 9-year-old son, in what can only be described as an incredible act of bravery and composure, exited the rear driver’s side of the vehicle and ran around to the passenger side rear,” pahayag ng kapulisan.

Ikinwento naman ni Ethan sa WBMA ang mga pangyayari at sinabing napansin niyang pinagtangkaang tangayin ng suspek ang kanilang sasakyan habang papasok na ang nanay sa kotse.

“I jumped out and went around and got Audrey out,” sabi ng siyam na taong gulang na bata.

Nagtagumpay ang suspek na tangayin ang kanilang sasakyan ngunit sa kabutihang palad ay ligtas ang mag-iina na dali-dali naming pumasok sa gas station upang tumawag ng pulis.

Lubos ang pasasalamat ni Walker at walang nangyaring masama sa kanyang mga anak.

“I’m so proud of him for protecting our family,” sabi ni Walker. “God’s hand was on us. We are not victims. They may have taken our car, but we didn’t allow them to take anything else from us and we won’t. Our story is one of hope and positivity in a dark world.”

Ayon pa sa mga kapulisan, ang katapangan ni Ethan ay nakatakdang bigyan ng pagkilala ni Moody Police Chief Thomas Hunt, bagay na kinasasabikan ni Ethan.

Pinuri din ng ama ni ni Ethan na si Brian ang pagiging alisto ng anak.

“That calmness, at least a little bit, to be able to get over there and unbuckle the car seat without fumbling or freaking out to where he couldn’t get it done – he kept his composure and did a fantastic job,” ani ni Walker.

Ang dalawang suspek, isang 18 taong gulang at isang 23 taong gulang, ay kapwa taga-Jackson, Mississippi.  Pabalik na sila ng Mississippi sakay ng nakaw na sasakyan nang matunton ng kapulisan gamit ang FLOCK camera system at iba pang vehicle tag readers.

Nasa kustodiya na sila ng Rankin County Sheriff’s Office matapos makipaghabulan saglit sa kapulisan at ngayo’y kumakaharap ng patong-patong na kaso, kabilang na ang armed robbery at vehicle theft.

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *