Connect with us

People

COMMUNITY PANTRY, BUKAS PARA SA MGA NANGANGAILANGAN

Published

on

Larawan mula sa FB post ni Ana Patricia Non

Isang community pantry na bukas para sa mga nangangailangan ang makikita sa kahabaan ng Maginhawa Street.

Maaaring mag-iwan sa community pantry ang sinuman ng donasyon, gaya ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan. May nakapaskil na paalala rin ang community pantry na “magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batat sa pangangailangan.”

Ang community pantry na gawa sa kawayan ay ideya ng isang residente ng Quezon Cay na si Ana Patricia Non. Bukas ito para sa lahat mula 6:00 ng umaga hangang 6:00 ng gabi.

Saad ni Non, marami na ang nakikibahagi sa kaniyang inisyatibo, at naglalagay ng donasyon sa community pantry. Ilan sa mga kadalasang iniiwan dito ay mga de lata, gamot at bitamina, at face masks.

Hinihikayat rin niya ang iba na gumawa ng community pantry sa kanilang komunidad.

Ayon sa kaniya, “Hindi nito masasagot ang root cause ng kagutuman pero okay na din na pantawid gutom sa mga nangangailangan. Mahirap magtrabaho, mag-aral at lumaban habang kumakalam ang tiyan,”

Dagdag pa ni Non, “Wag mahiyang kumuha andun lang po ‘yun. May hand sanitizer din para sa mga kukuha at mag-iiwan. Kung kayo ay nasa neighborhood pwede din kayo mag-iwan sa community pantry ng groceries.”

Position: Researcher/Writer Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: This profession has opened my eyes to the realities of life. Being in media allows me to have a better understanding of humanity, and appreciate the beauty of both its struggles and triumph. As a media practitioner, I'd like to believe that I bring light to the world by imparting my skills and knowledge, and by sharing valuable information. Principle in life: I've always been a strong believer that there is goodness in everyone. And if you see something good and beautiful in a person, you gotta say it. The person deserves to know that someone appreciates him.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *