Connect with us

People

BABAENG GUINNESS WORLD RECORD HOLDER, PINAPUTULAN NA ANG KANYANG KUKONG PINAKAMAHABA SA MUNDO

Published

on

Longest nails
Gamit ang isang electric rotary tool, pinutol ang kuko ni Ayanna Williams na may habang 24 ft 0.7. Larawan mula sa www.guinnessworldrecords.com

Gamit ang isang electric rotary tool, pinutol na ni Dr. Allison Readinger ng Trinity Vista Dermatology sa Forth Worth, Texas ang record-holder na mga kuko ni Ayanna Williams ng USA.

Nabasag pa umano ni Williams ang kanyang dating record na “longest fingernails on a pair of hands (female)”  nang sukatin ito at nakapagtala ng bagong haba na 24 ft 0.7 in mula noong makapasok siya sa Guinness  World Records noong 2017.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinutulan ni Williams ang kanyang mga kuko simula pa noong unang bahagi ng 1990’s kaya naman naging emosyonal ang kanyang pamamaalam sa kanyang pagkahaba-habang mga kuko.

Bata pa lamang umano si Williams ay mahilig na siya sa pagpapaganda ng kuko.

28 taon nang pinahahaba ni Williams ang kanyang mga kuko at naging malaki na ang bahagi nito sa kanyang pagkatao.

Unang nai-feature si Williams sa Guinness World Records 2018 kung saan nasungkit niya ang titulong babaeng may pinakamahabang kuko sa mundo dahil sa mga haba nitong 18 ft 10.9 in.

Sa sobrang haba ng kanyang mga kuko, nakaubos siya noong ng 2 bote ng nail polish at inabot ng 20 oras bago matapos ang pagma-manicure ng kanyang mga kuko.

Ngayon naman ay nakaubos siya ng tatlo hanggang 4 na nail polish at inabot ng ilang araw bago matapos ang pagpipinta ng kanyang mga kuko.

Nahihirapan umano si Williams na gumawa ng mga gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng pinggan at pag-aayos ng higaan dahil sa kanyang mahabang kuko.  Kaya ngayong maiksi na ang mga ito, inaasahang mas magiging madali na umano para sa kanya na kumilos.

Ang mga kuko ni Williams ay ipre-preserve at idi-display sa the Ripley’s Believe It or Not! Museum sa Orlando, Florida, bagay na ikinasasabik ni Williams.

Balak pa rin umano ni Williams na pahabain muli ang kanyang mga kuko ngunit hindi na niya paabutin sa dating haba nito.

Ano man daw ang haba ng kanyang mga kuko ito pa rin ang kanyang paboritong palamuti sa katawan.

“With or without my nails, I will still be the queen. My nails don’t make me, I make my nails!”

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *