Connect with us

People

FROM “ADD TO CART,” TO “ADD TO HEART”

Published

on

Larawan mula sa PIO Asingan

Viral sa social media ngayon kung paanong nauwi sa kasalan ang dating regular na delivery ng rider ng isang kilalang online delivery shopping app sa kaniyang suki.

Ayon sa delivery rider na si Marlon Cajucom, 32 taong gulang, agad na nabighani ang kaniyang puso ni Jhasin May Benito, 22, nang ipakilala ito sa kaniya ng isa sa kaniyang mga regular customers na si Mary Grace Benito, ina ni Jhasin.

Ayon kay Marlon, bandang Oktubre 2020 nang naging regular niyang customer ang ina ng kaniyang asawa.

Aniya pa, “One time nakapagdeliver po ako sa kanila, late na. Nagulat sila, nagtataka sila na late na nagde-deliver pa ako noong time na yun.” Dahil dito, tinanong siya ng ngayo’y biyenan nang si Mary Grace, kung may asawa na ba siya.

“Sabi ko wala pa po. Bakit daw ang sipag-sipag ko eh wala pa naman daw ako binubuhay. Ang sagot ko po noong time na yun, kasama ko po sa pangarap yung magpursige sa buhay,” salaysay ni Marlon.

Kwento naman ni Jhasin, nakita umano ni Marlon ang kaniyang litrato sa cellphone ng kaniyang ina, at nagbiro umano ito kung pwede ba siyang ipakilala dito.

Sa kabila nito, hindi naman daw umasa si Marlon na papansinin siya ni Jhasin. “Actually yun po talagang nasa isip ko na hindi ako papansinin nito sabi ko kasi maganda, mukhang hindi sanay magtrabaho, nagulat din ako na napakabait din niya napakaapproachable naman po madaling lapitan madaling kausapin,” saad pa ni Marlon ng makilala na niya ang dalaga.

Bago pa sila nagkakilala ay sa Cavite pa namamalagi noon si Jhasin at nag-aaral. Dahil sa pandemya, umuwi si Jhasin sa Pangasinan at gaya ng karamihan noong panahon ng quarantine, madalas na nag-o-online shopping si Jhasin, kung saan ang kaniyang ina ang madalas na tumatanggap ng kaniyang mga order.

Sa ikatlong pagkakataon, nagkaharap na ang dalawa. Nagsimula sa pagiging Facebook friends, at nagkaka-usap lamang sa chat, hanggang sa nauwi na ito sa relasyon.

Sa kwento pa ni Jhasin, nagpaalam mismo sa kaniyang mga magulang si Marlon na liligawan siya nito. Sa loob isang buwang ligawan, naging magkasintahan ang dalawa, at nitong Enero 26, 2021 ay kinasal na sila.

Nahulog diumano ang loob ni Jhasin kay Marlon dahil lagi itong naglalaan ng oras para sa kaniya. Dagdag pa nito, “Hindi rin po siya nanliligaw through text. Personal po siya nagpupunta sa bahay. Nagdadala ng flowers and food. Pati parents ko, niligawan niya.”

Kinakiligan rin ng marami ang ikunwento ni Marlon sa isa mga FB posts niyang ito, “Naalala ko pa nung una kitang nakilala, lagi akong excited pumasok lagi sa trabaho para i-check kung mababasa ko ba ang pangalan mo sa runsheet ko tuwing umaga. Hanggang sa ngayon at naging misis pa nga.”

At ngayong papalapit na ang Araw ng nga Puso, ito ang payo ni Marlon sa mga patuloy pang umaasa, “Add to cart lang po at baka yung susunod na kakatok sa mga pinto niyo o mag-hahatid ng mga parcel niyo ay ang magiging Mr. Right or ang magiging ‘the one’ ninyo.”

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *