Connect with us

Negros News

3 MIYEMBRO NG PINANINIWALAANG NPA, PATAY SA SAGUPAAN KONTRA MILITAR

Published

on

Negros Oriental – Tatlong miyembro ng pinaniniwalaang New People’s Army (NPA) ang namatay sa nangyaring engkwentro sa pagitan nila ng mga militar sa So. Namundua, Brgy. Cambudlas, Bondoy, Negros Oriental alas 4:30 Abril 30.

Ayon kay Col. Inocencio Pasaporte, ng 303rd Infantry Brigade Commander, papauwi na ang mga sundalo kasama ang Bindoy police matapos mag assist sa pamimigay ng Social Amelioration program sa lugar ng mangyari ang engkwentro.


Nakatanggap umano ng impormasyon ang tropa ng militar na may presensya ng halos 15 myembro ng NPA sa lugar hanggang sa nangyari ang barilan.

Nakatakas umano ang mga rebelde papunta sa dereksyon ng barangay.

Na recover ng mga militar sa lugar ang 12 Gauge shotgun, magazine na may bala, backpacks, at mga personal na kagamitan.

Years/background in Media works: 22 years
Why chose this profession: It's my DESTINY
Principle in life: Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be, if it's meant to be, it will happen.