Connect with us

Negros News

KASAPI NG MEDIA SA BACOLOD, NAGPOSITIBO SA COVID-19

Published

on

Nagpositibo sa COVID-19 ang isang media personnel na kinilalang si Shiela G. Gelera sa lungsod ng Bacolod.

Mismong si Gelera ang nag-anunsiyo sa kanyang official Facebook account na nagpositibo ito sa sakit.

Photo|©Gelera FB Account

“I was scared. I felt alone. I didn’t know what to do. I cried. ” saad ni Gelera sa kanyang facebook post.

Ayon kay Gelera, naka-isolate siya mismo sa kanyang kwarto sa kanilang bahay habang hindi pa lumalabas ang resulta ng kanyang swab test.

Dagdag pa nito, nakaramdam di umano siya ng mga sintomas na konektado sa virus at umabot ng 37.1 degree Celcius ang kanyang temperatura.

Matapos malaman na nagpositibo si Gelera sa virus, dinala siya sa isolation facility sa syudad ng Bacolod.

Gayunpaman, gustong ipaabot ni Gelera ang kanyang pagpapasalamat sa mga taong nagpakita ng suporta sa kabila ng pagharap nito sa kanyang sitwasyon lalong lalo na sa kanyang pamilya ag mga katrabaho.

Samantala, si Gelera ay isang news writer sa isang local newspaper sa syudad ng Bacolod.

Position: Production Staff Years/background in Media works: 4yearsWhy chose this profession:Mass Communication helps me in building my personality and overcome my shyness. I can now see my improvement because I am now comfortable in speaking and socializing with people. Principle in life: Never give up on something you really want. It's difficult to wait but it's more difficult to regret.