Connect with us

Negros News

MAHIGIT 5,000 NA BACOLODNON AT NEGRENSE NAISAILALIM NA SA SWAB TEST

Published

on

Umabot na sa 5,424 ang kabuuang bilang na mga Bacolodnon at Negrense ang naisailalim sa swab test sa probinsya ng Negros Occidental at syudad ng Bacolod.

Sa datus ng Bacolod City PIO, mayroon nang kabuuang 4,384 ang naisailalim sa swab tests sa iba’t-ibang Barangay sa syudad.

Sa datus naman ni Silay City Councilor Ryan Gamboa, mayroon na ding kabuuang 1,040 ang naisailalim sa swab test sa Silay City at Talisay City kahapon, araw ng Linggo.

Ngayong Lunes, magsasagawa ng swab test ang pamahalaan ng Silay City sa mahigit 1,300 katao sa Bago City at sa bayan ng Murcia.

Samantala, nilinaw ni Gamboa na ang nasabing mga numero sa syudad ng Bago at bayan ng Murcia ay “tentative” lamang at posible pa na magbago.

Position: Production Staff Years/background in Media works: 4yearsWhy chose this profession:Mass Communication helps me in building my personality and overcome my shyness. I can now see my improvement because I am now comfortable in speaking and socializing with people. Principle in life: Never give up on something you really want. It's difficult to wait but it's more difficult to regret.