Connect with us

Negros News

ANAK NG CONVICTED DRUG PERSONALITY BINARIL-PATAY

Published

on

Patay ang anak ng isang convicted drug lord matapos na barilin ng riding-in-tandem suspects sa harapan ng isang restaurant sa San Agustin Drive sa syudad ng Bacolod kahapon ng hapon Mayo 16, 2020.

Kinilala ang biktimang si Gerald Cuadra, 43 anyos, residente ng 24th Lacson Street sa Brgy. 1, at anak ng convicted drug personality na si Boy Cuadra, kung saan hinatulan noong 2006 ng ‘guilty’ sa drug trafficking at may penalidad ng pang-habangbuhay na pagkabilanggo.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, galing umano si Cuadra sa Riverside Medical Center na nasa kabilang daan lamang nang naganap ang pamamaril, kung saan naka-admit ngayon ang kanyang asawa na may stroke.

Habang pababa umano sa kanyang sasakyan ang biktima nang pagbabarilin ito ng mga suspek.

Ayon sa mga saksi, mahigit isang oras umanong nagbabantay ang mga suspek sakay sa isang itim na scooter type motorcycle na walang plate number.

Narecover sa crime scene ang 7 empty shell ng 45 calliber pistol.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan upang matukoy ang motibo ng pagpatay sa biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *