Connect with us

National

World Bank inaprubahan ang $500-M loan ng ‘Pinas para sa COVID-19

Published

on

Aprubado na ng World Bank ang $500 million o P25 bilyong utang ng Pilipinas para matugunan ang krisis na dala ng COVID-19 sa bansa.

Pahayag ng World Bank, sumang-ayon ang kanilang board of executive director sa $500-miilion loan para mapalakas ang gobyerno ng Pilipinas para masolusyunan ang krisis.

“The financing will also support urgent needs created by the COVID-19 crisis,” dagdag pa ng World Bank.

Ito ang ‘Third Risk Management Development Policy Loan’ para sa Pilipinas na parte ng pagsuporta ng World Bank para mapatatag ang bansa sa mga krisis at makabangon mula dito.

Nasa ilalim ngayon ng state of calamity ang bansa dahil sa coronavirus outbreak.

Ang nasabing utang ay mas malaki kumpara sa initial loan ng Pilipinas nitong nakaraang buwan na $100 million o ₱5 billion.