Connect with us

National

VP-elect Duterte, pinag-iisipan ang posibilidad ng full face-to-face classes sa susunod na pasukan

Published

on

Larawan mula sa Business Mirror

Pinag-aaralan ni Vice President-elect Sara Duterte ang posibilidad ng pagbabalik ng full face-to-face classes sa oras na manungkulan na siya bilang pinuno ng Department of Education (DepEd).

Itinalaga ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. si Duterte bilang DepEd secretary sa ilalim.ng kanyang administrasyon.

Ibinahagi ni Duterte sa isang interview ang mga isyung pang-edukasyon na kanyang tututukan bilang Education chief.

“Una ‘yung effect ng pandemic sa ating mga learners and sa sobrang tagal nila na hindi nag face-to-face classes,” ani Duterte.

“Pangalawa, the question on sending them all back to school, full face-to-face classes. Number three, thorough discussion on the K-12 program,” dagdag pa niya.

Ayon sa tala ng DepEd, aabot na sa 38,000 paaralan ang handa na para sa face-to-face classes sa school year 2022-2023 na magsisimula sa Agosto.

Samantala, dumistansya naman si Duterte sa usapin ng pagbabalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sapagkat ang isyu daw “has nothing to do with basic education.”

“I am the Secretary of Education and ROTC should be best discussed in higher education,” paglilinaw niya.

Matatandaan na nauna nang nagpalabas si Duterte ng proposisyon na ibalik ang mandatory ROTC para sa mga kabataan.

Nitong nakaraang buwan ay nagpalabas ng pahayag ang kampo ni Duterte na pinabubulaanan ang mga kumakalat na quote card sa social media ukol sa umano’y proposed amendments nita sa K-12 program, ROTC, at mandatory military service

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *