Connect with us

National

Ubo’t sipon lang COVID na: PhilHealth, iniimbestigahan na ang “Upcasing” sa mga ospital

Published

on

Iniimbestigahan na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang kaso ng ‘upcasing’ sa mga ospital o healthcare providers sa gitna ng pandemya.

Ang “Upcasing” ayon kay PhilHealth spokesperson Shirley Domingo, ay nangyayari kung ang isang indibidwal na naospital ay nadertermina bilang COVID-19 patient para makakuha ng mas malaking reimbursement ang ospital sa PhilHealth.

“Minsan ubo’t sipon lang, or ibang sakit na na-hospitalize siya, tapos ginagawa siyang COVID para mapataas ang nakukuhang reimbursement galing sa PhilHealth,” saad ni Dominggo sa panayam sa Unang Balita.

Sinabi ni Dominggo na iniimbestigahan na ng kanilang legal division ang mga naiulat na upcasing.

Ang mga ospital aniya ay bibigyan ng due process habang imiimbestigahan, “May process ‘yun, tinatanong ang ospital to explain, hini-hear po iyon.”

Kapag napatunayan na ang ospital o healthcare provider ay nagsasagawa ng upcasing, babawiin ng PhilHealth ang kanilang akreditasyon o ‘di kaya ay susupendihin.

“Depende ‘yan sa magiging decision [ng legal division],” giit ni Domingo.

Source: https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/799936/philhealth-probing-upcasing-of-hospital-admissions-to-covid-19-says-spox/story/