Categories: National

Top 2 most wanted ng QCPD at top 1 ng Aklan PPO, timbog sa Cavite

Huli sa pinagsamang pwersa ng Anonas Police Station QCPD, CIDG, at DSOU, at pakikipag-ugnayan sa Kalibo, Aklan PPO ang No. 2 Most Wanted Person  ng Quezon City at No. 2 MWP naman ng Aklan.

Kinilala ang MWP na si Anthony Acuesta y Lim. Isang operational research ang isinagawa kung saan base sa nakalap na impormasyon mula sa nga kapitbahay ni Acuesta, napag-alamang nagtatrabaho ito bilang laborer sa Molino, Cavite. Kaugnay nito, isang manhunt operation ang ikinasa ng laban sa MWP na si Acuesta.

Nakipag-ugnayan naman ang QCPD sa Aklan PPO hanggang sa tuluyan nang nadakip si Acuesta na may pending warrant na inilabas ni Hon. Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge ng 6th Judicial Region, RTC Branch 3, Kalibo Aklan sa kasong  four (4) counts of RAPE (RPC ART 266 A) with no bail recommended.

Ibabalik ang warrant of arrest sa Regional Trial Court Branch, Kalibo, Aklan habang nasa kustodiya ng Anonas Police si Acuesta at hinihintay ang Commitment Order.
Pinuri naman ni PMGEN PMGEN Felipe R Natividad ang pagtutulungan ng QCPD at Aklan PPO.

Ayon sa kaniya, “We have now served multiple standing warrant of arrest and will still continue in order to bring accused persons in court who ordered their arrest. We call for the continuous cooperation of our people if they know someone hiding from the law.”

Share
Felmerie Sabino

Position: Researcher/Writer Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: This profession has opened my eyes to the realities of life. Being in media allows me to have a better understanding of humanity, and appreciate the beauty of both its struggles and triumph. As a media practitioner, I'd like to believe that I bring light to the world by imparting my skills and knowledge, and by sharing valuable information. Principle in life: I've always been a strong believer that there is goodness in everyone. And if you see something good and beautiful in a person, you gotta say it. The person deserves to know that someone appreciates him.

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

3 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

3 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

3 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

7 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago