Connect with us

National

Riders na nakatira sa iisang bahay at nakapailalim sa general community quarantine, hindi na kailangang gumamit ng motorcycle barrier – JTF

Published

on

MOTOCYCLE BACK RIDING photo

Hindi na umano kailangan na gumamit ng motorcycle barrier ang mga magkaangkas na nakatira sa iisang bahay na nakapailalim sa general community quarantine (GCQ).

Ayon sa pahayag ng Joint Task Force COVID Shield (JTF COVID Shield) nito lamang MArtes, Agosto 18, papayagan na mag-backride ang mga magkasama sa bahay kahit na hindi authorized person outside of residence ang drayber basta’t ang backrider ay 22-59 taong gulang, hindi senior citizen, buntis, o immunocompromized. Kapwa kailangang naka face mask at full-face helmet ang magkaangkas.


Sa mga sa lugar na nasa GCQ, ang mga rider na hindi nakatira sa iisang bahay ay kailangang gumamit ng barrier na dinisenyo ng Angkas.

Kailangang pribadong pag-aari ang motorsiklo na gagamitin, ani pa ng JTF.

Para naman sa mga lugar na nakapailalim sa modified general community quarantine (MGCQ), nasa pagpapasya na ng local government unit kung ipapatupad ang mga nasabing guidelines, base sa sitwasyon ng kanilang lugar.

Sa kasalukuyan, ang probinsya ng Aklan ay nakapailalim sa MGCQ.

Samantala, matatandaang inanunsyo ni Presidente Rodrigo Duterte nito lamang Lunes na ang Metro Mania at mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay muling ibabalik sa mas maluwag na general community quarantine simula sa Miyerkules, Agosto 31.

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *