Connect with us

National

Pinoy na abugadong ibinalitang namatay dahil sa pamamaril sa US, buhay pa at naka life support

Published

on

Larawan mula sa pna.gov.ph

NEWS UPDATE: Pinoy na abugadong ibinalitang namatay dahil sa pamamaril sa US, buhay pa at naka life support.

Buhay pa si John Albert “Jal” Laylo, ang Pinoy na abugadong ibinalita kamakailan na binaril at namatay dahil sa walang habas na pamamaril sa Philadelphia.

Ayon sa tweet ni Elmer Cato ang Consul General ng Pilipinas sa New York, buhay pa umano si Laylo at naka life support.

Nag-tweet din ang kapatid ni Laylo na si Althea bandang 9:30 ngayong gabi na dati ay mas mababa pa sa limang posyento ang tsansa na mag-survive ang abogado pero mistulang himala umano na bumubuti ang kanyang lagay.

“We were told he only had less than 5% chance of surviving. But now, miracles are starting to happen. He squeezed my mom’s hand 3 times and started mildly breathing on his own. Thank you so much for the prayers and I am begging you all to please keep praying. He was undergoing a test to confirm if he is brain dead, but he responded. He will be having another test in an hour, please stand with us in prayer. Miracles are real.”

Nananawagan naman si incoming Department of Migrant Workers secretary Susan Ople ng panalangin para sa kaligtasan ni Laylo.

Tulad ng ibang mga opisyal, mali rin ang ibinalita kay Ople hinggil sa tunay na lagay ng abogado. | Glesi Lyn Sinag #RadyoTodo#NationalNews

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *